RSS

Operating Systems atbp….

06 Apr

Karamihan sa atin ngayon ay gumagamit ng computer. Maaring ito ay sa bahay, sa opisina, sa paaralan at sa internet cafe. Ginagamit natin ang computer para mag chat, email, magbasa ng balita, at kung ano ano pa.

Karamihan sa atin ay familiar na sa Microsoft Windows. Syempre, gawa to ni Billionaire “Bill Gates”. Noong ako ay nag aaral, yun din ang gamit namin sa aming computer laboratories. Minsan, napunta ako sa Cebu at nagkita kami ng classmate ko sa High School. Nalaman ko rin na siya ay kumukuha ng kurso na Computer Engineering sa University of San Carlos. Habang kami ay nag uusap, napag alaman ko na may operating system pala na Linux.

Lumipas ang maraming taon at ngayon nasa Japan na cya at nagtatrabaho bilang isang Software Engineer na ang gamit ay Linux at Java. Ako naman ay nagtatrabaho bilang isang IT Professional sa isang Unibersidad dito sa Quezon City. Dito natuto ako ng Linux, at di hamak na ok din cyang gamitin. Sa simula ay nagkamali pa ako ng pag install sa aking computer at nabura lahat ng files ko..huh.. Nagkaroon din ako ng chance na ma compare ang functionality ng Linux at Windows. Sa iba, talagang maninibago talaga sa pag gamit ng linux. Pero kung i-explore mo lang, you will get used to it.

May magagagawa ka sa Linux na di mo magagawa sa Windows at ito ay vice versa. Sa Windows kasi, ang isang CD installer ay para lamang sa 1 or 2 computer. Samantalang sa Linux, unlimited computer ang iyong pwedeng pag gamitan ng libreng installer.Kaya nga maraming pirated CDs na Windows na binebenta sa greenhills ngayon.

Hindi lang operating systems ang merong proprietary or open source versions. Meron ng katapat ang Microsoft Office (Word,Excel and Powerpoint).  Ang Open Office ay isang open source software na may mga programs na katumbas ng Word, Excel and Powerpoint. Same functionalities and almost the same features.  Sa mga gumagamit ng MS Office,hindi na kayo mahihirapan na buksan ang files ninyo kung ang computer ay walang nakalagay na MS Office at OpenOffice ang installed.

Marami pang free software and programs na ginawa para magamit ng mga tao. Ang sabi ng iba pabagsak na ang Microsoft at OpenSource na ang magiging standard na ginagamit pagdating sa computer.

Hindi lang sa software ang malaking kumpetisyon. Maging sa computer hardware ay meron na ring katapat ang branded computers like IBM,HP,Compaq at Apple. Marami na ngayong computer hardware na ang tawag ay clone… Mas mura ang presyo kumpara sa  mga nabanggit kong branded computers. Dati ang Intel 40386 computer ay nasa 30thousand to 40,000 o mahigit pa… Ngayon may 15,000 ka, may PC ka na. Kahit papaano ay mura na rin ang computer ngayon. Ang una kong computer ay Cyrix 586. Dati mabilis na yun.. pero ngayon parang nasa putikan na cya. Compared to the latest processor na Intel Core2 Duo, talagang panis na yung processor na yun. Ngunit sa ngayon, ang bilis ng upgrade ng computers.. yung 15,000 PC mo ngayon ay luma na rin pagdating ng 2 taon. Dapat siguro, pag bumili ka yung  “High End” na. Para naman sulit yung binayad mo.

Hanggang dito nalang muna…. Marami pa akong dapat pag aralan sa Linux dahil nga laking Microsoft ako. Siguro pagdating ng panahon, gagamitin ko pa rin ang dalawang OS na ito. Bahala na si Batman…

Kayo ano mas OK sa inyo?…….

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on April 6, 2007 in Information Technology

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: