RSS

Monthly Archives: August 2007

Opinyon sa Kasalukuyan

Tapos na ang Eleksyon. Sa wakas, at may 12 ng senador. Yun nga lang, meron pang protesta si Pimentel. Ang tagal din natapos ng bilangan at proklamasyon. Senate President na si Manny Villar at Speaker of the House na si Jose De Venecia. Parang walang nagbago. Ganyan nga siguro ang politika, matira ang matibay.

Dami ng nangyari sa loob ng 2 – 3 buwan. Eleksyon, proklamasyon, kidnap ng isang Italyanong pari at 10 marines pinugutan ng ulo sa isang bakbakan sa Mindanao. Kahit saan, may gulo at hindi pagkakaintindihan. Bakit kaya?

Kung mapapansin mo, nung eleksyon, lahat gustong manalo at umupo sa pwesto. Sa ibang dako, hindi pa matapos tapos ang giyera sa Mindanao. Ang presyo naman ng gasolina, tumataas. Kung bumaba man ay bahagya lamang. Marami din sa kabataan ang hindi nag aaral. Yung iba ay walang pang tuition. Meron ding nag aasawa ng maaga. May mga pasaway din na tamad mag aral. Meron pa tayong kinakaharap ng power and water crisis. Problema dito, problema doon.

Ano kaya ang susunod? 5-10 years from now. Ganun pa rin kaya? Pwede hindi, o di kaya lumala ang problema ng ating bansa. Marami na ring OFW na nagtatrabaho para may makain ang kanyang pamilya. Tumaas nga ang halaga ng piso kontra dolyar at sinasabi na maganda ang takbo ng ekonomiya. Marami ang nagsasabi na hindi nila nararamdaman ang pag unlad ng bansa. Napanood ko pa sa telebisyon na magkakaroon ng panibagong buwis. Ang magiging epekto nito ay sa atin. Ayon sa isang propesor sa economics “taxes are necessary….”. Sa iba, naiintindihan nila ang ganitong sitwasyon. Ngunit sa nakararami, mahirap tanggapin lalo na’t kakapiranggot lang ang kinikita.

Ang sabi ng iba, ang BPO or Business Process Outsourcing ang isa sa mga nakakatulong sa atin, “Call Centers” ang pangunahing business nila. Kung makikita natin, maraming college graduates ang nagtatrabaho dito. Malaki rin ang “basic salary”, meron pang allowance at bonus. Pero ang tanong , hanggang kailan ba ang mga kumpanyang to.Paano na kung lumipat ang mga kumpanyang ito sa China na mas mababa ang labor. Ilang taon lang at magagaling na rin sila magsalita ng “English”. Kung mapapansin nyo, marami ng multinational companies ang lumipat sa China dahil sa “cheap labor”. Sa iba naman, kumukuha sila ng Nursing para makapagtrabaho sa US at Europe. Marami ring kumukuha ng technical courses kagaya ng Engineering. Kasama na dito ang IT-related fields upang makapagtrabaho din sa ibang bansa.

Iba’t-ibang diskarte para umasenso at guminhawa ang buhay. Yun ang nakikita ko sa Pilipinas sa kasalukuyan. Aangat ang ekonomiya ng bansa kung magtutulungan ang ating mga lider. Marami pa tayong dapat gawin para umunlad. Magsisimula ang lahat sa bawat isa sa atin.