RSS

etc.., etc…, at iba pa..

02 Jul

Eto na naman ako.. magpo-post ng kung ano-ano sa blog ko.hehehe

Marami ng nangyari since my last post. Increase sa presyo ng gasolina, RCBC Masaker, Power Rates issue ng Meralco, sunod-sunod na bagyo at ang pinakalatest ang bagyong Frank… lumubog ang barko ng Sulpicio at maraming namatay.

Nakakalungkot ang mga balitang nababasa natin at napapanood sa radyo..este TV pala.. Marami ang naghihirap, sinabayan pa ng pagtaas ng presyo ng langis sa world market pati na ang patuloy na hidwaan ng Meralco at GSIS dahil sa taas ng singil sa kuryente… Ewan ko ba..

Para sa iba, magandang balita daw ang tax exemption scheme na gustong isa-batas ng kongreso pati an sa senado. Sa ganitong paraan, madadagdagan ang “take home pay” ng mga wage earners. Ngunit sa kabilang dako, sapat na ba ito sa patuloy na pagtaas ng bilihin dito sa ating bansa?

RCBC Masaker ang pinaka matinding holdapan sa Pilipinas. Pinatay lahat ng empleyado ng bangko.

Eto pa, humahataw ang pagtaas ng presyo ng gasolina…at bigas. Walang katapusang pahirap sa mamamayang Pilipino.

Humihina ang peso kontra dolyar. Nawala ang momentum ng pagtaas ng value nito.

Sa kabilang dako, nanalo naman si Manny Pacquiao sa boxing laban kay Diaz. Mukhang hindi nya mararamdaman ang hirap.

Sa dami ng mga nangyayari, marami din ang mga taong nagsisikap na mai-angat ang estado sa buhay. Marami pa rin ang gustong mag trabaho abroad. Siguro nga wala talagang maraming oportunidad dito sa ating bansa.

Kung mapapansin mo, napakabilis ng pagtaas ng presyo ng gasolina. Ang minimum fare sa jeep ay 8.00 at pag nagkataon, baka tumaas pa to.

Nakakaawa at nakakapanghina ang nangyari sa mga pasahero ng lumubog ng barko ng Sulpicio kama-kailan. Marami ang namatay at hindi pa nahahanap. At sa ngayon ay may nagbabanta pang, malason ang karagatan dahil sa chemical na nasa loob nito.

Maraming problema, kaliwa’t kanan. Ano kaya ang dapat nating gawin?

Dapat tayong magtulungan at magsikap at magdasal sa Diyos na malagpasan natin lahat ng problema ng lipunan.

Advertisements
 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: